Ito ang pang isang daan at syamnapu’t dalawang [192] post ko.
KAGABI
Ako: Tataba din ako. Babawiin ko yung dati kong laman. [nagsasalita habang nakaharap sa salamin at habang brush ng ngipin.]
sabay may nagreact….
Tita P: Hala! Taunan mo na yan sinasabi, wala pa ding nangyayari. [sabay tawa]
Natawa ako ng sobra kasi totoo, para lang akong tanga na nagsasabi magpapataba ako pero ang timbang ko pababa naman ng pababa. Nakaka-iyak tawa. Hahaha. :D
Ikaw hirap ka din ba magpataba kagaya ko?
